Dati parang wala lang, dati lagi pa tayong nag-aasaran. Ngayon hindi ko na alam kung paano matatapos ang araw kapag hindi kita nakasama o kahit man lang makita, bawat kilos mo pinupuna ko kasi ayaw ko na masaktan ka. Napakahalaga mo sa'kin pero hindi mo alam, mahal na kita. Ilang beses ko nang sinabi na ayoko na pero ngayon handa akong masaktan, handa akong maghintay basta para sa'yo. Mahal na kasi kita e, pinipigilan ko pero di ko talaga kaya na ilihim at itago pero hinahayaan ko na maramdaman mo at dumating yung araw na tanungin mo muna ako ng "Mahal mo ba ako?" Isa lang ang isasagot ko sa'yo, "Matagal na" Drama no? HAHA! XD
Isa sa pinaka-dakilang pwedeng gawin ng isang taong nagmamahal ay ang maghintay sa taong mahal nya. Pero bakit ka nga ba naghihintay? Iba-iba man ng paraan at dahilan, iisa lang ang puno’t dulo ng walang hanggang paghihintay, ito ay dahil tayo ay nagmamahal. Papiliin mo siya. "Sino ang pipiliin mo? Yung taong handang maghintay para lang sa'yo? O yung taong mahal mo pero lagi ka nalang niloloko?" Minsan kelangan din pag-isipan ng mabuti ang bawat hakbang na gagawin, hindi yung kapag mahal mo siya mahal mo nalang kahit pa masaktan ka niya Okay lang kasi mahal mo nga siya diba? Mali 'yon! Katangahan na yan! Kung mahal ka niya dapat marunong siyang irespeto ka, alam niyang pahalagahan ka, hindi yung porket mahal mo siya gaganyanin ka nalang niya. Isipin mo naman yang sarili mo, maraming nagmamahal sa'yo, marami diyan sa tabi-tabi na akala mo kaibigan lang ang turing sa'yo pero may itinatago pala na nararamdam para sa'yo.
Ginawa 'ko ito para sa mga taong umaasa at naghihintay para sa kanilang minamahal. Hindi naman masama ang maghintay para sa taong gusto e, pero tama nga ba ang naging desisyon mo? Tama ba na siya na talaga yung napili mo? Mahirap maghintay sa taong gusto mo, ang akin lang baka masaktan ka lang pagdating sa dulo. Naexperience ko na kasi yan, nasaktan ako sa huli. Tanging desisyon ko nalang na magagawa ay magparaya para sakanya, para maging masaya siya, kahit alam kong dapat ako yung kasama nya imbes na yung isa. Tanungin mo muna ang sarili mo ng ilang beses bago ka gumawa ng isang desisyon, humingi ng payo sa mga taong alam mong makakatulong sa'yo. Bago ang lahat, ano nga ba ang dahilan mo bakit ka naghihintay?
Iba’t-ibang uri at dahilan kung bakit naghihitay ang isang tao:
Naghihintay na mamahalin ka din ng taong mahal mo. Ito na ata ang pinaka-gasgas at pinaka-idinadahilan ng isang taong naghihintay sa minamahal niya. Yung motto niyang "Alam kong mamahalin niya rin ako, konting tiis at hintay lang", "Kami ang naka-tadhana, kailangan ko lang maghintay","Kung mahal mo ang isang tao, dapat marunong kang maghintay" at kung anu-ano pang ka-echosan na may kinalaman sa tadhana. Gustuhin mo mang bumitaw at magpatuloy nalang sa buhay pero ang puso mo, Ayun! Di na natutong mag-move on sa buhay. Sinasabi man ng isip mo na "Tama na, wala ng pag-asa" pero itong puso mo still fighting. Ayt!
May mahal na siya pero hinihintay mo pa. Ito naman yung para sa mga taong martir at nagmamartir-martiran. Alam mo na nga sa sarili mo na may iba na sya, masaya at may mahal nang iba pero ikaw 'tong hindi maka-move on at naghihintay nalang na mag-break sila, Abangers lang? Para magkaroon ng pagkakataon na magkatuluyan kayong dalawa kahit ang sakit-sakit na, kahit ang puso mo basag na basag na, motto mo ba yung ” Parte ng pagmamahal ang masaktan? O yung Mamahalin ko nalang sya kahit sa malayo? Baka naman yung Kung ang mag-asawa nga naghihiwalay pa e, yun pa kayang mag-boypren/girlpren lang?” Hindi naman masama na ipaglaban mo kahit wala nang pag-asa, ang akin lang nagiging tanga kana kahit alam mong hindi naman ikaw yung gusto niyo. Tss, gising na! Marami pa jan!
Naghihintay sa taong di mo pa nakikilala at di pa dumarating sa buhay mo. Ito naman yung tipo ng naghihintay sa pangarap. Nabuo sa isip mo ang concept na mayroong "The One" kaya hindi ka pumapasok sa isang relasyon dahil feeling mo hindi sya si Mr.The One mo. May mahal ka pero hindi ka kilala, mahal mo pero artista pala. minamahal mo pero magkalayo mundo ninyong dalawa at sa dinami-daming taong nakapaligid sa kanya alam mo sa sariling malabong mapansin o magkakilala kayong dalawa, pero hayan ka at sinasabi mo naman sa sarili mong “Walang imposible sa mundo, si Cinderella nga e”. Pero take note Te, hindi ikaw si Cinderella at walang prinsipe na magpapa-party para lang makilala ka. Kuha mo?
Single Ako, Single siya. Hihintayin ko. Hinihintay mo sya dahil single parin sya at pakiramdam mo na kayo ang para sa isa’t-isa pero di pa tama ang pagkakataon kaya di pa sya nagpaparamdam sa’yo o dahil iniisip mong di pa sya ready, kaya tiis lang muna. At alam mong hanggang nananatiling single sya, ikaw maghihintay parin dahil malay mo nga naman kayo talaga pagdating sa dulo. Wala nga naman nakaka-alam diba?
Naghihintayan kayong dalawa. Mahal mo, mahal ka, pero naghihintayan kayong dalawa. Nagpapakiramdaman kumbaga. Nanjan ang mga sweet words, sweet gestures at lahat na ata ng kasweetan sa mundo pero pagkatapos ng buong maghapon friends lang kayo. At dahil nga naman ikaw ang babae syempre maghihintay kana lang ng isang na magtatapat sya sa’yo, ampangit nga naman kasing tignan kung ikaw 'tong unang magtapat diba?
Ilan lang yan sa mga dahilan ng patuloy nating paghihintay. Ka-martiran man sa mata ng iba o kahibangan man para sa kanila, naghihintay ka dahil alam mong nagmamahal ka. Sa paghihintay mong yan nakakaramdam ka nang satisfaction kumbaga, nakakapagod man, mahirap man, masakit man pero di matatawaran ng anupaman ang nararamdaman mong pagmamahal. Pagmamahal na patuloy mong pinanghahawakan, pagmamahal na nagpaparamdam sa’yo kung gaano kasarap mabuhay at magmahal. Pagmamahal na kahit di man masuklian ngayon, nagbibigay parin sa’yo ng pag-asa sa lahat ng panahon. Hindi masama ang maghintay, masakit at mahirap lang talaga. Pero sana hindi lang tayo puro paghihintay. Gumawa din tayo ng mga hakbang. Masaktan man tayo atleast we’ve tried. Maghintay ka pero mas maganda rin kung may gagawin ka. Take the risk. Dahil dun lang natin malalaman kung paghihintay mo ay may naghihintayin na kasiyahan.
Mga ilang tanong na makakatulong sa'yo kung kaya mo talagang maghintay para sakanya. Wag kang mahuhurt ha? Pinapagising lang kasi kita, pero kung totoo yan paghihintay mo, ipaglaban mwah! XD
Kaya mo bang magtiis at maghintay ng matagal para sakanya?
Kaya mo kaya? Ang magtiis ng sobrang tagal para lang sakanya? Ang maghintay ng ilang buwan o taon para sa taong mahal mo? Madali lang ang magsabi ng salitang "mag-hihintay ako." Pero tanong ko lang? May sinabi ba siya sa'yo na hintayin mo siya? Kung wala, tigil na pantasya, nagsasayang ka lang ng oras. -,-
Kaya mo bang masaktan para sakanya?
Kaya mo bang masaktan para lang jan sa paghihintay mo? Kaya mo bang isuko ang mga ilang bagay para lang sakanya? Paano kung yung paghihintay mo masasayang lang kase may minahal pala siya iba? Edi nga-nga ka? Nasayang lang oras mo, nasaktan kapa. Hindi naman sa pinapatigil kita jan sa paghihintay mo, tulad na nga ng nasabi ko, napagdaanan ko na yan. Mahirap! Masasaktan ka sa huli kapag nagkamali ka ng pagpili.
Kaya mo bang hindi magmahal ng iba para sakanya?
Kaya mo ba na wag pansinin yung mga may gusto sa'yo kung alam mo naman na mas better siya kesa sa hinihintay mo? Kaya mo ba na hindi ma-fall sa iba para lang sakanya? Kung alam mong True Love yang paghihintay mo edi wag kang magmahal ng iba diba? Mahal mo nga siya e kaya bakit ka papayag na mafall sa iba?
Ayun lamang po! Maraming salamat po sa pagbabasa! Sana po ay makatulong ang mga ito sa mga LDR ang Status! Subukan din tumulong sa mga kakilala at sa iba. Sa pamamagitan ng pag-share ng Post na ito! Maraming salamat po!
"Waiting is a sign of true love and patience. Anyone can say I love you, but not everyone can wait and prove it's true.." - Marl Anthony
Abangan niyo po yung mga ilan ko pang gagawin, para naman sa mga Single, nanliligaw at Inpired
Para sa mga quotes at gustong magpa-advice or request ay maari niyo akong mahanap sa mga Accounts/Page na ito!
Facebook Account : Marl Anthony (click me to go there)
Facebook Fan page: Advice Ni Marl (click me to go there)
Twitter : @namarldre (Follow me on Twitter!)
Site : www.advicenimarl.blogspot.com
Gmail : advicenimarl@gmail.com