Maraming tao ang naniniwala na ang Long Distance Relationship(LDR) ay hindi agad agad magtatagal at mahirap mangyari. May mga ilan kang kaibigan na sasabihan kang wag masyadong mag-seryoso dahil pwede kang masaktan pagdating sa huli.
Walang nakakapag-sabi na madali lang ang magkaroon ng Long Distance Relationship, kapag malayo kayo sa isa't isa maaring maging komplikado ang mga ilang bagay, pwede kang malungkot at nag-iisa. Pero di mo ba naisip na ang pagiging malayo sa isa't isa ay ang pinaka-simpleng bagay ng pagiging sweet sa ka-relasyon, kahit anong layo niyo e mahal niyo parin ang isa't isa.
Best tips ko para sa mga nasa Long Distance Relationship ang status.
Have a goal in mind. Ano pwedeng gawin ko gawin sa maghapon? Gaano ba tayo katagal na magiging ganito? Paano yung para sa Future? Eto yung mga tanong na dapat mo munang itanong sa sarili mo. Ang totoo, walang magka-relasyon ang tatagal sa Long Distance Relationship ng panghabang-buhay. Darating yung time na kelangan mag-settle down kayo. Kaya dapat may plano kayo para sa isa't isa, pareho kayo ng gustong makuha sa pagdating sa dulo. Mahalaga ito kahit hindi kayo magkasama o malayo kayo sa isa't isa, kahit papaano e nagwowork parin kayo ng pareho para sa future na gusto niyo.
Set some ground rules to manage your expectations. Pareho na kailangan niyong maging malinaw sa kung ano ang inaasahan sa isa't isa kase nasa LDR kayo. Kapag wala kayong ginagawa pwede kayong magbonding o isurpresa ang isa.
Set it as a opportunity. “If you want to live together, you first need to learn how to live apart.” Ayusin agad yung mga simpleng bagay na pwedeng lumaki, kaya niyo ginagawa ito kasi mahal niyo ang isa't isa. Gawin ito bilang isang pag-subok ng inyong pag-ibig para sa bawat isa. Sabi nga ng isang Chinise "Ang tunay na ginto ay hindi takot sa pagsubok ng apoy." Sa halip isipin niyong nasa LDR kayo, dapat kang maniwala sa mga expirience na naranasan niyo. Makakapagpatatag ito sainyo upang maging isa at maging mas matapang sa hamon ng inyong pag-iibigan.
Do similar things. Kung mahilig magbasa ng libro yung isa, dapat mahilig ka rin. Yung mga Favorite TV shows, movies, music, etc. Para kapag nanuod kayo, nakinig at nagbasa e hindi kayo magkabangayan. Isa rin to sa mga magagandang gawin kapag magkasama kayo.
Try to communicate regularly and creatively. I-greet ang isa't isa ng "Good morning" at "Good night" araw-araw, kelangan to. Lagi niyo din kamustahin ang isa't isa, kung kamusta ang maghapon niya at kung anong nangyayari sakanya. Isa sa bonding yung pagsend ng pictures, recorded messages o short videos sa oras-oras. Sa pag-gawa ng mga efforts na ito ay pwedeng mas mahalin niyo ang isa't isa at mapatibay pa ang inyong relasyon.
Know each other's schedules. Eto yung pinaka-mahalaga, dapat alam mo kung kelan siya busy at kung kelan hindi para maitext o maka-usap mo siya sa oras na free kayo. Kahit sino naman siguro ayaw na naiistorbo yung mahal kapag nasa klase o may ginagawang importante. Try mo din kung may schedule ba siyang sobrang busy siya at hindi, tulad ng Midterm Exams, important business trip, meetings, job interview atbp. Isa ito sa makakatulong sa inyo kapag malayo kayo sa isa't isa.
Do things together. Tulad ng paglalaro ng Online games ng magkasama, manuod ng Documentary or Holliwood movies. Kapag nagtatawagan o nagvivideo, okay din yung sabay niyong kinatanta yung Theme Song niyo. Pwede din kayong mag-online-shopping ng magkasama at magbigayan ng regalo sa isa't isa. Kelangan niyo maging Creative at Masayahin.
Keep track of each other's social media activities. Dapat alam niyo yung ginagawa ng isa't isa sa mga Social Networking Sites. Okay din yung alam niyo yung Account ng isa't isa para walang hinala kase yun yung sisira.
Gift a personal objects for the other person to hold onto. Pwedeng ring, keychain, mga CD na may favorite song and videos, okaya paboritong pabango mo.
Stay honest with each other. Eto yung pinaka-mahalaga, wag kang magselos sa mga maliliit na bagay, bawas-bawasan mo din yung pagiging insecure, o kahit ano pa jan. Kapag nagsikreto ka sa partner mo yang Secret na yan ay unti-unti din na lalabas. Wag ka rin gumawa ng mga bagay ng mag-isa mo lang, kung pwede mo siyang isama bakit hindi. Don’t try to deal with things all by yourself. Maging open at tapat kayo sa isa't isa, hayaan mong tulungan ka at bigyan ka ng suporta na kelangan mo. Mas okay na yung tapusin mo na yung problema mo habang hindi pa tumatagal kasi mas mahirap na yang maa-ayos kapag huli na ang lahat.
Make visits to each other. Efforts din to, bumisita ka sakanya kapag hindi ka busy or wala kang gagawin, surprise narin yun kahit papaano.
Avoid excessive communication. Wag naman yung Over Exaggerated, hindi niyo naman kelangan magtext o mag-usap ng 12hours kada araw para lang maparamdam na LDR kayo.
Avoid dangerous situations. Kung alam mo na iinom kasama yung mga kaibigan niya sa Club kapag late na pagsabihan mo. Wag ka masyadong maging pabaya sakanya kung alam mong sakit lang sa ulo ang gagawin niya, syempre masasanay siya kase hinahayaan mo lang siya sa mga gusto niya nang hindi ka kasama.
Stay Positive. Kelangan mo maging open minded lagi or positive thinking lang. Magpasalamat sa lahat ng oras kase meron kang minamahal, isang tao na nagmamahal at naghihintay sa'yo kahit malayo kayo sa isa't isa. Maging masaya kahit sa mga simpleng bagay tulad ng mga sulat kamay na ibinibigay niya sa'yo.
Video-call on Skype whenever possible. Kase ang pagtitinginan ng mga mata habang nag-uusap kayong dalawa ay pwedeng makatulong para maging ayos ulit ang lahat.
Keep each other updated on each other’s friends and family. Kamustahin mo din siya sa mga kaibigan niya at pamilya, baka kase mamaya may problema siya na hindi niya kayang sabihin sa'yo.
Enjoy your alone time and your time with your friends and family. Oo, mag-isa ka pero hindi ka nag-iisa, dipende nalang kung iniisip mong mag-isa ka. Hindi lang naman kase yung partner mo yung kelangan mo din para mabuhay ka e, meron parin yung mga kaibigan at pamilya mo na nandyan para tulungan ka. Makipag-bonding ka sakanila, tulad ng panunuod ng Movies,etc. Meron kasing mga ilang bagay na para sa'yo ay hindi kasama ang partner mo.
Ayun lamang po! Maraming salamat po sa pagbabasa! Sana po ay makatulong ang mga ito sa mga LDR ang Status! Subukan din tumulong sa mga kakilala at sa iba. Sa pamamagitan ng pag-share ng Post na ito! Maraming salamat po!
"Distance is a test of love. Many will fail for those who can't withstand it. But, for those who can, there's one answer : true love." - Marl Anthony
Abangan niyo po yung mga ilan ko pang gagawin, para naman sa mga Single, sa mga nanliligaw at Inpired, at syempre sa mga Naghihintay.
Para sa mga quotes at gustong magpa-advice or request ay maari niyo akong mhanap sa mga Accounts!
Facebook Account : Marl Anthony (click me to go there)
Facebook Fan page: Advice Ni Marl (click me to go there)
Twitter : @namarldre (Follow me on Twitter!)
Site : www.advicenimarl.blogspot.com
Gmail : advicenimarl@gmail.com"
Pano mo mpag kakatiwalaan mga sinasabi niya kapag ldr
TumugonBurahinEx. Ako nag tanung na may inuman pala kayo ng mga friends mo sasama kaba?
Siya: hindi ako sasama tinatamad ako
(Pero yung totoo iinum siya ng hindi ko alam)
Ano ba dapat ko gawin kapag ganito? Na malihim cya
Kung ganyan na po talaga siya sabayan mo na lang tapos mag vc kayo na nakikipag inuman kahit sinabi mong d ka iinom the same sa kanya pero pag nalaman niya un baka d na niya gagawin un kase i know na ayaw niya na nakikipag inuman ka ng hindi ka nagpapalam kaya marirealize niya na d siya gagawa ng bagay na ayaw niyang gawin mo 😊
BurahinGood Morning po. May katanungan po sana ako sa inyo tungkol sa LDR may girlfriend po ako sa malayong Lugar dati ko na po sya gf ngayon nagkabalikan uli kami may dalawa syang anak.pagnag-uusap kami lagi nya binabanggit Yung nanliligaw sa kanya inaaya sya pakasalan Sabi nya Hindi daw nya Mahal Yung guy ano po ang dapat Kung gawin thanks po
TumugonBurahinPatayin mo yung manliligaw
TumugonBurahinMeron ako katanungan. Paanu Kong dalawang taon na Kayo nguusap pero. Hnd pa Kayo nagkikita.. gusto.kona.sya makta pero.hnd.pa.tinatadna.magkita kami.habang ngtatagal at nguusap kami my trabaho sya kaialangam ko. Ako.mg adjust sa oras ko.makita ko.lng sya... Tama ba na ako.yun Mauna na. Insist Makita sya, kahit na Babae ko.. Anu ba batayan NG pag mamahal sa Babae at lalaki... Minsan pakiramdam ko na sanay na sya sa mga ginagawa ko pag txt at tawag. Ako mauuna mawawalan na Yun excitement na sya yun.mauuna na.mgtxt sakin para kamustahin ako at mamiss ako aldo pinaparamdam nya na , Mahal nya ko special.ako. Pero pakiramdam Kona. Hnd pantay bigay NG pag mamahal.namin Tama ba ikumpara ko.ginawa ko.effort sa ginagawa nya. Ginagwanko.laht para lng maramdam nya hnd ako.malayo sa knya pero sya sanay na sya hnd nya ko.kasmaa sa pag tulog nya sa Gabi at hnd na nya ko tinatwagan pag NASA work sya. Pero dati tinatwagan nya ko.. or praning lng ako Anu ba dapat ko gawin or isipin
TumugonBurahinHello po, paano po ba malalaman na seryoso ang ka ldr mo?
TumugonBurahinI have boyfriend po from italy, his older than me.our age gap is 30 years.thanks po!
Thanks
TumugonBurahinSalamat po nang marami i sesend ko po ito sa kaibigan ko para hindi siya mawalan nang pag asa lalo na mahal na mahal nya daw ang karelasyon nya pero hindi nya maipakita sa ngayon dahil LDR nga sila.
TumugonBurahin