Sa Pag-ibig maraming nasasaktan, maraming umiiyak dahil sila'y iniwan, niloko't pina-asa lamang. Hindi natin sila masisisi kung bakit nagiging manhid na sila pagdating sa pag-ibig, syempre isa na dun yung takot ulit silang masaktan at mapa-asa. Hindi natin masasabi kung kelan darating yung taong magmamahal satin ng tapat, yung magpaparamdam kung ano ba yung tunay na ibig sabihin ng salitang "Pag-ibig". Ginawa ko ito para sa mga taong naiwan, nasaktan, at pina-asa ng taong minahal nila. Sana po ay maka-tuloy ito sa mga taong Broken Hearted, sa mga taong hindi maka-move on. Kung may matamaan man o maka-relate e ingiti niyo nalang. Ready kana ba?
Hindi naman mahirap mag-move on e, kung gusto mo madali lang naman. Ang hirap nga lang kase e hindi mo lang talaga siya kayang pakawalan. May mga bagay talaga na mahirap makalimutan lalo na kung marami kayong pinag-samahan, yung mga panahon na lagi kayong mag-kasama, lagi kayong nag-uusap, at yung mga bagay na hindi mo inaasahan na gagawin niya para lang sa'yo. Minsan niloloko ka na lang sarili mong damdamin na akala mo nasasaktan ka parin pero yung totoo e naalala mo lang yung paki-ramdam nung nasaktan ka. Pareho lang din yung sa pag-aakalang mahal mo parin yung tao pero ang totoo e naiisip mo lang yung pakiramdam mo na dati nung mahal mo pa siya. Bakit ka magtitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo? Wag mong ikulong ang sarili kahit alam mo anytime ay kaya mong kumawala. Sino ba nagsabi na hindi madaling makahanap ng kapalit? Maraming nagmamahal sa'yo pero hindi mo lang napapansin, wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at kung lagi kang sinasaktan, imbes na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo nalang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabale-wala kana, tanggapin mong nagsawa na siya sa'yo. Wag kang magpadala sa salitang "Sorry" at "Ayokong mawala ka" kase kung totoo yun, papatunayan niya naman e. Gamitin mo ang puso mo para alagaan yung mga taong malapit at nagmamahal sa'yo. Kapag usapang pag-ibig kase laging puso nalang ang ginagamit e, dapat kase isama mo rin yang utak mo para hindi ka masaktan sa huli. Kung hindi na siya masaya sa'yo edi hiwalayan mo na, walang gamot sa pagiging tanga kundi pagkukusa. Isang mabigat na responsibilidad ang pakikipag-relasyon, minsan kailangan mong isuko para sa ikabubuti pero hindi naman masama na ipaglaban kung doon ka talaga masaya. Kung alam mong kayo talaga para sa isa't isa ipag-laban niyo, hindi man sa ngayon pero darating parin yung time. Tama na! Sabon na sabon na kayo e! HAHA! XD
Ano ba yung mga bagay na makaka-tulong para maka-recover sa pagiging Broken :
Pour your heart out to God. His Spirit is the greatest comforter you will ever have. Itanong mo sakanya kung papaano ba? Gamitin mo ang isip at emosyon upang ikaw ay kanyang matulungan na makapag-desisyon at gumawa ng mga hakbang upang ikaw ay makabangon muli.
Subukan mo din magconfess hindi lang kay God pati narin sa mga nagseserve sakanya, sa mga Pari o madre narin at subukan humingi ng mga ilang bagay at guide na alam nilang makakatulong sa'yo.
Maghanap ka ng mga ilang kaibigan na alam mong makaktulong sa'yo para makabangon, yung mga taong makakapag-pasaya sa'yo at manlilibang.
Gumawa ka ng mga bagay na makakapag-pasaya sa'yo na kasama ang mga ilan mong kaibigan at malalapit sa'yo, mas lalo kang hindi makakapag-move on kung magmumukmok ka lang at iiyak jan sa gilid.
Mga ilan pang tips na makakatulong sa'yo para maka-move on sa pagiging Broken :
Do not rush into another relationship. Hintayin mo lang, mag-move on ka muna. Kase hindi porket may bago kana naman na relasyon e naka-move on kana, baka mamaya maging panakip butas lang yung isa. Masakit maging rebound oy!
Do not think that you can just take care of it by yourself, tulad nga ng sabi ko humingi ka ng tulong sa mga malalapit sa'yo at magpaka-saya ka lang sa mga ilang bagay. Hindi mo nalang mapapansin na unti-unti mo na siyang nakaka-limutan at nakaka-move on kana rin sa pagiging Broken.
Do not think that God has abandoned you. Si God parang salamin, kung naka-ngiti ka naka-ngiti din siya. Kung malungkot ka, malungkot din siya. Pero isa lang ang hinding-hindi niya magagawa, ang talikuran ka.
Stay in the present. Uso naman na siguro yung salitang "Past is Past" diba? Matutong mabuhay sa kasalukuyan at matutong kalimutan ang nakaraan at mga taong nang-iwan.
Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option. Alagaan mo rin ang sarili mo, ilaan mo nalang yung pagmamahal mo sa taong deserving para dito. Syempre, mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba.
Consider that all things happen and people come into our lives for a reason. Ang lahat ay planado, lagi man puro kalungkutan ang nararanasan mo sa ngayon darating parin yung panahon na sasaya ka. Tiwala lang kay God.
Understand love is always a gift. Ang pagmamahal ay isang biyaya kahit pa nagtapos sa kalungkutan, for heartbreak bears great wisdom.
Release feelings of anger, hatred and thoughts of revenge. Tandaan mo, hindi mabuti ang maghiganti pagdating sa Love. Hayaan mo nalang siya kung saan siya sasaya, ikaw naman ay magmove-on at magpa-ganda/magpa-pogi para kapag nagkita ulit kayo ay magsisi siya na iniwan ka nya.
Ayun lamang po! Maraming salamat sa pagbabasa! Sana po ay may mga ilan akong natulungan para matauhan! Subukan din tumulong sa iba sa pamamagitan ng pag-share ng Post na ito! Maraming salamat po! Gising na ha?
"Start a new day and forget what's gone. Appreciate what still remains and look forward to what's coming next." - Marl Anthony
Abangan niyo po yung mga ilan ko pang gagawin, para naman sa mga Long Distance Relationship, Single, magka-relasyon, pati narin sa mga nanliligaw at Inpired!
Para sa mga quotes at gustong magpa-advice or may request ay maari niyo po akong mahanap sa mga Accounts/Page na ito.
Facebook Account : Marl Anthony (click me to go there)
Facebook Fan page: Advice Ni Marl (click me to go there)
Twitter : @namarldre (Follow me on Twitter!)
Site : www.advicenimarl.blogspot.com
Gmail : akosimarlanthony@gmail.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento